Friday, October 17, 2008

Kasama Ba Sa Plano ng Diyos Na Mahulog Sa Kasalanan Sina Adan at Eba?

Ito po ay isang komento sa isang blog post "Did God Really Allow Sin to Happen?". Dahil sa may kataasan ang aking naging komento, minarapat ko pong gawin itong post sa aking blog.

Ang naging palaisipan ko mula po nuong una ay ito -- "if God is really god, powerful, all knowing, all present, bakit kaya Niya tayo hinayaan na magkasala. Kung Siya ay Diyos, bakit hindi na lang Niya tayo ginawang perpekto."

And this is what God revealed:

Only God is perfect.

Tayo po na mga tao na nilikha ng Amang Diyos ay mahal na mahal po Niya. Isipin po natin na tayong mga tao at ang buong mundo ay isang proyekto ng Diyos.

Kailanma'y hindi po natin mauunawaan kung bakit gumawa Siya ng isang proyekto. Pero, may isang bagay na alam natin -- na pinupuno Niya tayo ng pagmamahal na walang katumbas araw-araw.


Wala po ni isang ginawa ng Diyos dito sa mundo ay aksidente, lahat po ay may "purpose".

Sa sobrang pagmamahal sa atin ng Panginoong Diyos , binigyan Niya tayo ng "complete authority" sa lahat ng mga ginawa Niya sa mundong ilalim, ibabaw at kahit sa hangin.

Genesis 1:26 ... let them rule over the fish of the sea and the birds of the air, over the livestock, over all the earth, and over all the creatures that move along the ground.

Lahat naman po tayo ay pamilyar sa verse na ito ng Genesis. Pero sa verse din ito, gumawa rin ang Amang Diyos ng isang batas. At alam po nating lahat na pag may binitawang salita ang Diyos, iyon po ay nagiging batas.

Alam po natin, na ang Panginoong Diyos, kahit sa Kaniyang sariling batas, ay hindi Niya kayang suwayin ito.

Kaya naman po ng sinabi ng Diyos na "let them have dominion over all creations", gumawa ang Diyos ng batas sa langit at sa lupa, na kailanma'y hindi Siya makiki-alam sa anumang gawin natin dito sa mga nilikha Niya sa mundo.

Dahil sinabi ng Diyos "let them have dominion", "let them rule".

Hindi naman puwede i-trust ni God sa atin ang buong sanlibutan tapos makiki-alam Siya about the way we take rule over the earth.

Sinabi ni God "let them rule".

"Let them rule".

Hindi po ni Sinabi ng Diyos na "let US rule"

Kundi sinabi ni God na "let them rule".

Oo, Siya ang gumawa ng buong mundo. Pero binigay niya ang awtoridad sa ating mga tao na mamahala sa kaniyang mga nilikha, kasama na rin diyan tayo, mga tao.

Hindi niyo ba naisip kung bakit tayong mga tao ay tinatawag sa wikang Ingles na "human". Galing ito sa dalawang kataga na "hum" + "man". Ang ibig sabihin po ng "hum" "ay galing sa lupa". Ang "man" po ay ang ating "soul"; o ang "spirit" na ayon sa Genesis 1:27 na ginawa sa sariling imahe ng Diyos .

Samakatuwid, ang tao po o "human" ay dalawang nilikha sa iisa, ang "hum", ang katawang galing sa lupa, at ang "man", ang "spirit" na galing sa sariling imahe ng Diyos.

Ang Diyos po ay "spirit" kaya pag-may gagawin ang Diyos dito sa mundo, mangangailangan Siya ng tao para maisasakatuparan Niya ito.

Kung matatandaan ninyo, wala pong ginawang milagro ang Diyos sa "Old Testament" na hindi Siya gumamit ng tao. Nang nahati ang Red Sea sa Exodus, inutusan ng Diyos si Moses na gamitin ang kanyang tungkod.

Kung mapansin niyo, kapag may nais iparating ang Diyos sa sangkatauhan, may pinipili Siyang tao na magsisilbing kanyang tagapag-salita. Kung iisipan, puwede namang magpakita ang Diyos sa lahat ng mga Israelita sa panahon ni Moses.

Minarapat po ng ating Ama na gawin ito, dahil Siya po ay "faithful" sa Kaniyang mga salita. Tanging tayo lamang mga tao na may "katawang" lupa at na binigyan ng eksklusibong awtoridad na mamahala sa mga nilikha, ang inaasahan para maisakatuparan ang Kaniyang nais.

Dapat din nating pakaisipin na ang mundo ay isang malaking regalo sa ating ng Amang Diyos. Bago Niya tayo nilikha, gumawa Siya ng pagkaganda-gandang mundo na puno ng mga bulaklak, halaman, mga kahoy, prutas, hayop, hangin, tubig, dagat, araw at gabi, para tayo ay may magamit.

Kapag ang Diyos ang nagbigay ng regalo, hindi na Niya ito binabawi.

Kaya lang may isang "fallen angel" ang gustong sumira sa mga nilikha ng Diyos. Iyan po ay si satanas. Si satanas ay inggit na inggit iyan sa ating Amang Diyos. Sa katunayan, gusto nitong si satanas na maging makapangyarihan tulad din ng ating Panginoon. Subalit, si Satanas ay isang suwaying anghel, at kailanma'y hindi niya kayang matumbasan ang kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos.

Kaya naman sa labis na inis at inggit nitong si satanas, nagnais siyang sirain ang tao at ang mundo. Ang "spirit" ay walang awtoridad sa mundo, kung inyong pakakatandaan. Kaya naman naghanap ng paraan si satanas na makapasok sa isang katawang lupa para maisakatuparan niya ang kaniyang mga maitim na balak.

At nakapasok nga siya sa katawan ng ahas. Sa paraang ito, nalinlang ni satanas is Eba.

Siguro maiisip niyo na sa puntong iyon, nautakan ni satanas ang Diyos. Siguro, nagtatanong kayo ngayon kung bakit ba hindi pinigilan ng Panginoon si Eba na kainin ang bunga ng "Tree of Knowledge of Good and Evil". Pero, ang Diyos po ay tunay sa Kaniyang mga salita.

Ang pagbigay po ng Panginoon sa atin ng awtoridad ay hindi mali. Ang mali po ay kung paano natin ginamit iyong awtoridad na iyon.

Marahil marami sa inyo nag pamilyar sa katagang "freewill". Sa katunayan, marami sa atin siguro ang nag-iisip na kaya tayo nagkakasala dahil meron tayong "freewill". Pero kung inyo pong babasahin ang Bibliya, wala po nakasulat na "freewill" sa kahit ni isang pahina.

Ang "freewill" po ay iba sa salitang "authority". Ang "authority" kasi ay may kaakibat na "responsibility". Sa "freewill" po wala. Kung binigyan nga tayo ng Diyos ng tinatawag na "freewill", hindi na sana tayo (sina Adan at Eba) inutusan ng Diyos na huwag kainin ang bunga ng "Tree of Knowledge of Good and Evil". Kahit may "authority" tayo dito sa mundo, Siya pa rin ang ating Ama, at tayo ang Kaniyang anak. Kaya nararapat lamang na ating sundin ang Kanyang mga payo.

Definitions of authority:
1. The power to enforce laws, exact obedience and command
2. Power assigned to another
3. freedom granted by one in authority

Defintions of freewill:
1. Done of one's own accord;
2. voluntary

Hindi nautukan ni Satanas ang Diyos. Bago pa man nagsimula ang mundo, alam na ng ating Ama na mangyayari't mangyayari na gagambalain ng suwaying anghel na si satanas ang tao. Kaya naman pinlano na lahat ng Diyos ang mundo.

Kaya ginawa ng Diyos ang tao na may lalake at babae. Ang babae ang siyang magiging katulong ng lalake. Ang babae, na siyang nilinlang ni satanas, ay gagamitin ng Diyos para magbuntis sa isang sanggol na magbibigay katawang lupa ng Diyos bilang si Kristo.

John 1:14
The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the One and Only, who came from the Father, full of grace and truth.

Ang pagbubuntis at sakit ng panganganak ng babae at ang pagtatrabaho ng lalake upang sila ay mabuhay ay nakita natin bilang isang kaparusahan sa kamalian na nagawa. Ngunit ang Diyos ay maawain at mapagmahal. Ang parusa pala ng pagbubuntis at sakit ng panganganak ng babae ay siya palang paraan ng Diyos upang tayo ay maligtas.

Dahil sa kasalanan natin, mula pa sa pagsuway ni Eba ni utos ng Diyos, ang sangkatauhan ay patay. Dahil sa labis-labis na kasalanan ng tao sa lupa, minarapat ng Diyos na bumaba sa lupa at magkatawang tao. Binigay Niya ang Kaniyang kaisa-isang anak na si Kristo.

Genesis 2:17 but you must not eat from the tree of the knowledge of good and evil, for when you eat of it YOU WILL SURELY DIE."

Ngunit inako ng Kaniyang Anak na si Hesukristo ang kasalanan nating lahat upang tayo ay mabuhay muli.

Nakakatuwang isipin na puwede nga bang may Plan A or Plan B ang Diyos sa atin?
Nakakatuwang isipin na ginamit nga ba ng Diyos ang kasalanan ng tao upang maihayag ang kanyang kadakilaan at pagmamahal sa atin.

Iisa lang ang plano Niya sa atin.

Psalm 139:15-16

You were not a mistake, for all your days are written in my book...

2 comments:

Youth Under Christ's Kingdom said...

Hi there, thanks for spending your time reading our blogs.

It seems to me that this blog post of yours has another thought or idea about the God-Sin issue of the Christianity. You were talking about free-will that was really never given or mentioned anywhere in the bible so you are saying than we humans do not have freewill?.

Sa verse na...

Psalm 139:15-16

You were not a mistake, for all your days are written in my book.

ibig mo bang sabihin dito eh naniniwala ka sa PREDESTINATION?

ako nga pala si Robert isa sa mga taga YUCK ministry. And YUCK stands for YOUTH UNDER CHRIST'S KINGDOM.

Thanks again dude!!!

GodBless You!!

www.iheartjesus-kkkjesus.blogspot.com

Author said...

Hi Robert,

Thanks for your comment.