Friday, October 17, 2008

Paano 'Pag Dumating Si Jesus Christ Ngayon?

Alam niyo blessed tayo pag di dumating sa lifetime natin and second coming ni Jesus Christ, take note po, it's Jesus Christ,hindi Jesus lang or Christ lang kundi si Jesus Christ ang babalik muli. Jesus, the body, and Christ the son of God, our King, Lord and Saviour.

Sinasabi ko po na magiging blessed tayo pag di dumating sa lifetime natin and second coming ni Jesus Christ, kasi we don't have to experience tribulation. Tribulation is mentioned in Revelation and even in the Book of Matthews, in the New Testament.

sa Panahon ng Tribulation, maraming pagdurusa ang mangyayari sa buong sangkatauhan. Gutom, sakit, epidemya, lindol, digmaan, at massacre, at marami pa. Ang tribulation ay mangyayari at mangyayari before the second coming of Jesus Christ.

Pag dumating naman sa lifetime natin ang second coming ni Jesus Christ, hindi rin naman ibig sabihin n'on eh, di na tayo blessed. We can still do something. It's said nga in the bible, that until the Gospel of the Kingdom is preached around the world as a testimony, the end will not come. (Basahin niyo po sa Matthews Chapter 24).

Kaya lang sabi ni Lord, everything must happen. At pag dumating sa lifetime natin ang second coming ni Jesus Christ, it's our opportunity to worship God even more through our faithfulness. Sa panahon ng "coming of the End of Age", sinabi po ni Jesus Christ na marami ang maghihirap, marami ang tatalikod sa kanilang pananalig sa Diyos. Pero marami din ang magiging faithful sa mga araw na iyan.

Sabi du'n sa book of Matthews, "and those who will stand firm will be saved."

Unimaginable and unequaled sabi ni Lord Jesus ang panahon ng End of Age. Pero may reward du'n sa mga faithful sa Kaniya.

Actually wala tayong magagawa whether or not ang second coming ni Jesus Christ ay mangyayari sa panahon natin. Hindi dahil tao lang tayo, kundi dahil inako na ni Jesus Christ ang sakit, kamatayan, shame at pagdurusa natin dito sa mundo.

Kaya wala tayong dapat ika-takot kung dumating or di man dumating sa ating panahon ang pagbabalik ni Jesus Christ.

Ganito lang po kasi iyon, lahat po ng mga nangyayari sa atin ngayon, mula sa pinakamaliit nating problema hanggang sa pinakamalubha nating karamdaman, sabi ni Lord "everything is already done". Lahat po ay tapos na. Everything is completed.

Kaya lang kasi we are still living in this earthly flesh, itong katawan natin na maagnas. Kaya tayo ay patuloy pa ring, nakakaramdam o nakaka-experience ng sakit, problema, karamdaman, at kahit pagtataboy sa atin ng sariing nating pamilya.


So, paano pag si Jesus Christ ay bigla na lang dumating? Mag-ce-celebrate ako. Kasi ibig sabihin n'un wala na tayong mararamdamang problema, walang gutom, wala ng sakit, wala ng away, wala nang lust, wala ng desire for earthy possessions. Maganday kaya yun no, pag dumating ngayon si Jesus Christ.

Pero wag po kayong lahat mag-alala, hindi po babalik si Jesus Christ hanggang hindi na-pre-preach sa buong mundo ang kaniyang dalang magandang balita sa buong sangkatauhan.

Ikaw, mas gusto mo bang dumating ang second coming ni Jesus Christ sa lifetime mo ngayon or hindi?

Ay naku matakot ka kung wala pa si Christ sa heart mo and His second coming will not come in our lifetime. Even sabihin nuon, isa lang ang bagsak mo pagdating Niya, duon sa lake of Fire. Well, alam mo na yun.

Bumalik na po tayo sa basics. Ang dami na pong nangyayari sa mundo natin ngayon, minsan ang akala nating tama ay mali pala.

Kung meron pong bible-based Church na malapit sa inyo, pumunta po kayo. Magsisumula po ang tunay na Christian life mo, pag totally sinurrender mo na ang life mo kay Jesus.

God bless you po at sa nagcreate ng thread na to, God has blessed you already.

No comments: